Posts

Showing posts from April, 2026

Sa Letrang B

Image
SA LETRANG B 'Gaya ng unang letra sa Bingo, maraming salita ang maaaring ihalintulad upang mailarawan ang mga babae gamit ang titik na 'to. Gaya ng mga lalaki, may kakayahan silang magdala ng baril o balisong na nakapasok sa katad, na kung sakali na ang pagiging bayolente lamang ang tanging paraan upang mapakinggan ang boses at makita ang bigat na kanilang bitbit para sa bayan, may sandata silang panlaban upang makabangon at maitaguyod ang makabago at mapagpalayang bukang-liwayway. Ang babae—kahit naka bistidang pula, ang katawan ay brusko, bilugan o balingkinitan, ang kili-kili ay may buhok; naglalaro gamit ang bola o magsuot ng blazer na may kurbata sa opisina—kahit ano pa ang hanapbuhay nila, bold star man, beauty queen, o bihasa sa larangan ng agham at sipnayan. Anuman ang tawag sa iba't ibang panig ng bansa—babayi, babai, barbie o binabae—at kahit sino o ano pa ang kanilang piling ibigin, araw-araw, lagi t-lagi, babae ang bida at ang bukas. Numero uno sa pila, bibo sa ...

Parisukat

Image
𝐏𝐀𝐑𝐈𝐒𝐔𝐊𝐀𝐓 Muling niyayakap ni Nino ang likod ko, Ang kanyang mga haplos ay ramdam mula kalamnan hanggang buto. Tanging sa parisukat ko lamang siya nakikita, Ngunit mula sinag ng araw hanggang dilim ay pasan ko siya. Ang sabi nila, ang mukha ko ay ‘di maipinta. Kunot ang noo, buhok ay magulo, at ayaw ng bumangon sa kama. Datapwat andyan lang si Nino, kasama ko. Pakiramdam ko’y dahan-dahan na ‘kong nilalamon nito. 'Di ko lubos namalayan, unti-unti na pala itong bumibigat; Gaya ng ulap tuwing may paparating na bagyo, Pagpigil sa buhos ng luha sa mga mata ko, At ang mga bulaklak na bumabaliko sa panahon ng pagkakatuyo. Oo, laging nariyan si Nino, ang nagbabalat-kayong anino. Parang multo na nasa sulok ng bawat kwarto. Sa pagtulog, siya ang kayakap ko. Maikling Tula ni : Mono  Dibuho ni: Jhanese Sotto  ( Published under: The Gateway Group of Publications)