Posts

Kailan Ko Kaya Muli Matitikman Ang Luto Ni Mama?

Image
๐Š๐š๐ข๐ฅ๐š๐ง ๐Š๐จ ๐Š๐š๐ฒ๐š ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ข ๐Œ๐š๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ค๐ฆ๐š๐ง ๐€๐ง๐  ๐‹๐ฎ๐ญ๐จ ๐๐ข ๐Œ๐š๐ฆ๐š? Noong bata pa lamang ako, ang tanging sigaw at tanong ko pag-uwi sa aming tahanan galing sa eskwelahan ay, “Asan si Mama?” At ang laging tugon ng ate ko ay ang daliring nakaturo patungo sa aming munting kusina. Doon, ipinagluluto niya kami ng pancit canton—yung mga nasa paketeng nabibili sa tindahan. Sinasamahan niya pa ito ng nilagang itlog, para raw mas ganahan kami; Simpleng luto, ngunit may puso. Mula sa init ng kawali, may nagbabagang pagmamahal.  Gaya ng mga gasolinang gamit na gamit, ang kanyang hilig sa pagluluto ay nauupos na rin. ‘Di ko na lubos matandaan kung kailan ko huling natikman ang luto ng aking ina, o masilayan man lang siya habang hawak-hawak ang sipit na pangkuha ng pancit. Ni hindi ko na rin malanghap ang simoy ng kanyang luto sa hapag-kainan tuwing alas tres ng hapon habang nanonood ng tibi. Kaya naman, hindi ko maiwasang itanong sa aking sarili, “Kailan ko kaya muli matit...

Sa Letrang B

Image
SA LETRANG B 'Gaya ng unang letra sa Bingo, maraming salita ang maaaring ihalintulad upang mailarawan ang mga babae gamit ang titik na 'to. Gaya ng mga lalaki, may kakayahan silang magdala ng baril o balisong na nakapasok sa katad, na kung sakali na ang pagiging bayolente lamang ang tanging paraan upang mapakinggan ang boses at makita ang bigat na kanilang bitbit para sa bayan, may sandata silang panlaban upang makabangon at maitaguyod ang makabago at mapagpalayang bukang-liwayway. Ang babae—kahit naka bistidang pula, ang katawan ay brusko, bilugan o balingkinitan, ang kili-kili ay may buhok; naglalaro gamit ang bola o magsuot ng blazer na may kurbata sa opisina—kahit ano pa ang hanapbuhay nila, bold star man, beauty queen, o bihasa sa larangan ng agham at sipnayan. Anuman ang tawag sa iba't ibang panig ng bansa—babayi, babai, barbie o binabae—at kahit sino o ano pa ang kanilang piling ibigin, araw-araw, lagi t-lagi, babae ang bida at ang bukas. Numero uno sa pila, bibo sa ...

Parisukat

Image
๐๐€๐‘๐ˆ๐’๐”๐Š๐€๐“ Muling niyayakap ni Nino ang likod ko, Ang kanyang mga haplos ay ramdam mula kalamnan hanggang buto. Tanging sa parisukat ko lamang siya nakikita, Ngunit mula sinag ng araw hanggang dilim ay pasan ko siya. Ang sabi nila, ang mukha ko ay ‘di maipinta. Kunot ang noo, buhok ay magulo, at ayaw ng bumangon sa kama. Datapwat andyan lang si Nino, kasama ko. Pakiramdam ko’y dahan-dahan na ‘kong nilalamon nito. 'Di ko lubos namalayan, unti-unti na pala itong bumibigat; Gaya ng ulap tuwing may paparating na bagyo, Pagpigil sa buhos ng luha sa mga mata ko, At ang mga bulaklak na bumabaliko sa panahon ng pagkakatuyo. Oo, laging nariyan si Nino, ang nagbabalat-kayong anino. Parang multo na nasa sulok ng bawat kwarto. Sa pagtulog, siya ang kayakap ko. Maikling Tula ni : Mono  Dibuho ni: Jhanese Sotto  ( Published under: The Gateway Group of Publications)

The Psychology Behind The Literato’s XVI Theme: “Panhik-Panaog”

Image
  The idea behind this year's Literato XVI theme “ Panhik-Panaog ” was conceptualized by a psychology student Ma. Roanne Cantre.  It tackles between dreams, past, future, resiliency, and decretive will vs. free will. It depicts that in every step that we take, we have stories that we make. The symbolism behind the dreamcatcher represents catching the dreams of people despite being in the state of sleeping, awakening, or reawakening. For instance, for us to be able to chase our aspirations in life, we need to panhik (ascend) to cinch our wishful thinking and given that the road is quite bumpy or at least the staircases towards our dreams might be fragile and shaky at certain points, we need to do the panaog (descend) to redeem the mishaps during the journey and start to elevate our feet once more. Panhik-panaog is not just as simple as stepping into cemented and cramped staircases, it also portrays the idea of an endless venture of people who enslaved themselves on striving too...

Kokote O Garrote?

Image
  Kokote O Garrote? Writer: Mono “ Bigyang pugay ang gobyerno, sapagkat sila ang nagbibigay pondo sa ating mahirap na bayan! ”, ito ang hinain ng mga matatanda laban sa kilusan, ngunit sa kanyang isipan, nais niyang ipamalas ang natuklasan sa makapal at maalikabok na librong kanyang nabasa, mga bayaning natiwakal dahil sa paggamit ng kanilang panulat kung saan kanilang isinalik ang kaalaman mula sa gusali ng kanilang natuklasan, kanilang inihayag ang mga inosente at walang laban sa madungis na kamay ng pamahalaan na dapat siyang pumoprotekta sa bayan. Ang mga pahayag na nais maipamalas ngunit ang labi ay nasisilihan ng mga nakaupong walang kilos at bagkos mangmang sa lipunan. Ito ang kwento ni Egorio Cornelio B. Cruz, o mas kilala sa palayaw na “ Eboy ”. Si Eboy ay lumaking hindi pribilehiyo, ngunit laging may sapat na pagkain sa hapag at may kakayahan upang mag-aral, nakatira sa kubo na munti man ngunit matayog, pwede na para tirhan ng kanyang ama at ina. Isa siyang iskolar ng bay...

A Message To My Younger Self

Image
 

Endless Solitude

Image